RaNt

Wednesday, November 05, 2008

dulot ng mga litrato.

masarap maging bata
madali ang buhay
at walang problema
ang iyong paligid ay puno ng kulay
at malinaw ang
iyong bawat landas
na tatahakin
may mga gumagabay
sa iyo
at tiyak may lalaban
ng dapat sana ay laban mo
ngunit hindi habang-buhay
bata ka
darating ang panahon na tatanda ka
unti-unting lalabo ang mga marka ng
mga landas na iyong tatahikin
may gagabay pa rin naman sa iyo
ngunit wala ng kasiguraduhan kung
may sasagip ba sa iyo o wala
ikaw na ang lalaban sa mga laban mo
mawawalan na din ng tingkad ang paligid
pero may kulay pa din naman
iyon nga lang mahirap mo na itong mapansin
dahil tiyak marami ng problemang
sagabal sa buhay mo

-----------------------------

ngunit natutuwa pa rin ako
sapagkat may mga tao sa buhay ko
na bagaman kasabay kong tumatanda
araw-araw
kasabay ko rin namang lumilingon
sa nakaraan
upang sabay naming tignan
at buhayin ang aming kabataan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
HTML Counter
Hit Counters