RaNt

Monday, June 18, 2007

stupid analogy

kanina habang
nagbabasa ako sa isang sulok ng kwarto ko
at nakikinig sa nakakalokong radio station
kung saan nagpapatugtog ang mga DJ
ng mga senti na songs
biglang may pumasok sa isip ko
at nais ko ibahagi sa inyo ang napagnilayan ko
babala lang ha
hindi ito seryoso
bagkus isa itong weirdo na pahayag ng isang tao
na maiituturing na sawi sa pag-ibig
na nais pagtawanan ang kinalalagyang sitwasyon
kaya pagpasensyahan nalang ang pagkacorny nito


naisip ko na kung ihahambing ko ang aking sarili sa isang theater character
malamang ako si EPONINE ng Les Miserables at ikaw si Marius na KAIBIGAN ko
na patay na patay kay Cosette. At sino pa ba ang pinakamainam na maaring ihalintulad
kay Cosette? Malamang siya..
at habang patuloy akong mag-isang kumakanta ng ON MY OWN kayong dalawa naman masayang
magkasama, nagtitinginan at kumakanta ng A HEART FULL OF LOVE
at dahil isa akong martir bigla akong mababaril dahil ililigtas kita kaya naman matapos ang gulo
hahagkan mo ko at sasabihing hindi mo ako iiwan
at ako naman si ewan na naniwala sayo
hindi ko man lang naisip na malamang hindi mo nga ako iiwan dahil
helo naman noh???
mamamatay na nga ako diba onti nalang ang itatagal ko malamang sasamahan mo ko dahil ilang
minuto nalang naman un diba
at sa wakas pag pikit na ang mata ko
iiyak ka sandali, tatayo at pupunta kay Cosette at pagkatapos malilimutan mo na ako
ang saklap naman talaga oh
tsk tsk tsk

naisip ko din na kung isa naman akong comic character
malamang ako si BETTY ng Betty and Veronica at siyempre ikaw si Archie na kahit hindi gwapo
eh halos magkandarama ako sa kahahabol
at hindi na tinatanong kung sino si Veronica dahil alam nating lahat na siya na yun
Sa tingin ko nga ito ang pinakamagandang halimbawang gamitin upang maitindihan ng ibang tao ang
sitwasyon ko
sa totoo lang simple lang naman ang sitwasyon eh
Ganto lang kasimple
Ikaw si ARCHIE na feeling "on top of the world "dahil kayo na ni VERONICA. Si Veronica{siya} na
maganda, may pera, seksi at ewan ko kung ano pa. Pero dahil isa kang malaking "FLIRT"
at parang hindi ka pa kuntento kay Veronica, nakikipagflirt ka kay BETTY na kaibigan mo.
Si Betty {ako} naman dahil patay na patay sayo hinahayaan ka lang. Kayo ni Betty madalas magkasama
mas madalas pa nga kaysa kay Veronica. Halos buong araw kayo ang magkasama, masaya
kayong nagtatawanan kasama sila Jughead, kumakain sa Pop Tate's, at naglalaro ng sports
pero pag tapos na ang araw at sumapit na ang gabi sino pupuntahan mo?
Si Veronica.
Sino tatawagan mo at igigreet ng gudnyt?
Si Betty.
Pero sino tatawagan mo at sasabihang iluvu?
Si VERONICA.
tsk tsk tsk
ang buhay nga naman
ndi tlga patas

.....




1 Comments:

  • parang nga... grabe, patay na patay na ata ako dito.. medyo..simula august 2006 pa eto.. mag-iisang taon n!!!! ano ba naman 'to..o diba antagal na? hay nako nahold-up ako, wala na kong celphone..nawala lahat ng numbers ko. message moko sa ym or friendster, un cp # mo and landline. :) - haeja

    By Anonymous Anonymous, at 5:41 AM  

Post a Comment

<< Home


 
HTML Counter
Hit Counters