RaNt

Sunday, February 05, 2006

ON LOVE

MAHAL KO NA SIYA?

Love is such a vague word. It is too broad for a topic and too specific for an emotion. For others, love makes the world go round. For some, love sucks. So..ano nga ba ang pag-ibig na sinasabi nila. Everybody seems to have a different say on the matter. Everybody has various views, different perceptions. Ang gulo! Eh paano ba nasasabi ng isang tao na umiibig na nga siya, na nagmamahal na nga siya? Paano niya nasasabi na oo nga mahal ko na siya.
Pagmadalas bang naiisip mahal na? Eh bakit ako, palagi ko naiisip bestfriend ko. Ibig bang sabihin mahal ko na siya? Ibig bang sabihin I feel something special na, iyong tipong more than friends? Yuck ha!
Pagnagaalala ka ba sa kanya mahal mo na? Halimbawa, nabalian ng paa iyong professor mo tapos nag-alala ka, ibig sabihin mahal mo na? Parang ang freaky nun ah.
Pagmadalas kayong magkasama at masaya ka ibig bang sabihin mahal mo na? Oo, nga’t madalas kayong magkasama dahil gusto niyo ang company ng isa’t isa. Pero sapat na dahilan na ba iyon upang isipin na mahal mo na siya?
Pagpalagi ka bang napapangiti ng taong iyon, mahal mo na? Ganun? Eh bakit ako madalas naman akong napapangiti ng mga kaibigan ko ah. Ibig sabihin salawahan na pala ako kasi ang dami ko nang minamahal.
Pagmadalas kayong mag-usap at natutuwa ka, mahal mo na? Its true na nag-coconnect nga kayo kasi you get to share your views with each other and find new & fantastic things about each other but is it enough basis to say na oo nga noh because we connect baka mahal na kita?
Paglagi ba siya nandyan para sayo at nafefeel mo ang support niya, mahal mo na? Is that how love is, is love all about being dependent on the other person?

If falling in love is all about what I wrote above, then love is such a shallow feeling. Wala palang magandang dahilan para umibig eh. Ang babaw ng mga dahilan ng tao. Eh halos lahat yan pwede mong maranasan sa araw-araw mong buhay. Papaano kung nawala na lahat ng feeling na yan? Wala na bang love pag ganun? San na napunta iyong “I will love you forever” na mga sinasabi niyo sa isa’t isa? How can someone say na mahal ko na siya, if the basis for gauging love are all so pitifully shallow? Parang lokohan lang pala ang pag-ibig na yan eh.
But that’s me, I don’t care if you share my sentiments or not. All I do here is write. I guess I am just so disillusioned with love right now that is why I questioned the validity of what you call romantic LOVE. So there….prove me wrong…I challenge you…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
HTML Counter
Hit Counters