RaNt

Thursday, October 05, 2006

~LiPaD~

Minsan ninais kong lumipad. Nangarap na marating ang langit.
Sa aking batang pag-iisip inakala ko na maaari kong gawin lahat ng aking naisin.
Hindi pala. Nagkamali ako.
Akyatin ko man ang pinakamataas na gusali o sumakay sa sasakyang panghimpapawid.
Hinding-hindi ako makalilipad. Dahil hindi ako ANGHEL. Hindi ako biniyayaan ng pakpak.
At kahit gaano ko mang gustuhing abutin ang langit hindi ko ito mararating kung patuloy akong aasa na makalilipad ako.
Minsan ninais kong lumipad. Umaasang makukuha ko ang mga bituin.
Naniwala sa mga kasinungalingang sinasabi ng karamihan. Sabi nila kung ako'y makalilipad magiging abot-kamay na ang mga bituin.
Hindi pala. Nagpaloko lang pala ako.
Gaano man katayog ang aking liparin hindi ko makukuha ang mga bituin.
Dahil hindi ako diyos. Hindi ko pagmamay-ari ang kalawakan. Hindi akin ang mga bituin.
At kahit puspos ang aking dalanging makalipad ako at marating ang langit at makuha ang mga bituin hindi iyon mangyayari. Hindi magkakatotoo ang mga iyon kung patuloy lamang akong titingala sa langit at walang ginagawa kung hindi mangarap na marating ang langit at maabot ang bituin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
HTML Counter
Hit Counters