RaNt

Wednesday, September 29, 2010

dahil umaga na at hindi pa din ako inaantok.

bakit kaya yung iba gusto nila palagi sinasabi "akin ka diba?"?
para bang hindi nila kayang mabuhay na walang inaangkin
magmamahal kunwari pero sa totoo lang gusto lang magkaroon ng pag-aari
ginagawang bagay ang pag-ibig
kinakalimutan na ang tunay na nagmamahal ay hindi sakim
kundi mapagparaya
------------------------------------------------------------------------------

para sa hinihingian:
alam kong may mas hihigit pa.
darating ang araw na magiging masaya ka.
makakalimutan ang mga panahong nagmimistulang troso kang palutang-lutang
at walang tiyak na patutunguhan.
may susulpot sa buhay mo na tiyak mong ikatutuwa.
mamahalin mo siya't matutupad ang lahat ng pinapangarap mo.
pero sa ngayon, wala pa naman siya.
maari bang habang nagaantay ka
maging iyo muna ako kahit sandali?

galing sa humihingi

----------------------------------------------------------------------------
ganyan dapat
ganyan ang tama



0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
HTML Counter
Hit Counters