RaNt

Monday, December 27, 2010

dahil gusto ko lang

minsan naiisip ko paano kaya kung ibang tao ako?
paano kung ang tatay ko ay hindi ko tatay
at ang nanay ko ay hindi ko nanay?
paano kung anak ako ng intsik o kaya naman arabo?
paano kaya ang magiging buhay ko?
mas magiging madali ba o mas magiging mahirap?

madalas naiisip ko baka nga mas madali maging
anak ng ibang tao.
baka sakali mas madali ang takbo ng buhay ko.
baka sakali hindi ako madidiktahan kung anong
dapat kong gawin.

ngunit kapag nilalambing na ako ng nanay ko
at kinukulit ako ng kapatid ko
at hinahalikan ako ng mga tiyo at tiya ko
naiisip ko siguro ayos na din ang ganitong buhay
mahal naman ako ng mga kamag-anak ko
marami nga lang sila umaasa sakin
maraming nga lang pangarap na minsan hindi ko
naman pinangarap para sa sarili ko


ang drama nito
nakakainis lang

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
HTML Counter
Hit Counters