RaNt

Friday, December 10, 2010

tulaang matalinghaga

ano nga ba ang sukatan
ang iyong dalamhati ba o ang kaya kong ibigay?
ikaw nga ba ang sugatan
o maaring sa iba ang tunay na pagsasalaysay?

sa aking pagtawid sa mga linyang sumisigaw ng pula
manunumbalik ba ako sa yakap mo?
at sa aking pagwasak sa mga dingding ng pangkatao mo
may mahahagkan pa ba ako?

mahiwaga ang mga ito
ngunit sadya bang matalanghiga?
namimistulang pangarap
pero mananatili nga bang magara?
-rich-
--------------------------------------
kaya mas nanaisin ko na nga sigurong ayusin ang buhay mo

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
HTML Counter
Hit Counters