RaNt

Tuesday, March 18, 2008

badtrip.

masakit na nga paa mo malalaman mo pa na 2/C lang ang nakuha niyong grade sa project.
hindi ka na nga nakapasok sa class wala ka pang upuan sa exam room.
umiiwas ka nga pero sadyang mapaglaro ang tadhana at pinagtatagpo talaga kayo.
iba na nga ang dinaan mo pero kailangan mo pa din silang makita.
dahan-dahan ka na ngang naglakad pero nadapa ka pa din.
nag-aaral ka na nga lang kailangan pang may magalit sayo.
wala ka na ngang ginagawa pero pilit sinasabing meron ka daw ginawa.
nagsasabi ka ng totoo pero ayaw nilang maniwala at iginigiit na sinungaling ka daw.
inaantok ka na nga at gusto mo na ngang matulog pero hindi pwede dahil may aayusin ka pang problema
at ito pinamatindi
pagod ka nga sa exam pero sorry daw kailangan mo daw kasing malaman na ganun na nga talaga wala ka ng magagawa pa dun.

---------------------------------
mga tao talaga oh
mas gusto pa nilang magkwento ng magkwento kahit alam naman nila na ayaw mo ng marinig yung mga kwento nila.
nakakairita at nakakaGAG*
L*CHe!!!
patulugin niyo naman ako
pagod na ko
pero wait hindi pala pwede
dahil kahit nga pla sa panaginip ko eh nandun sila "POWER RANGERS"
ayoko na
wala na ba akong pwede gawin na wala sila sa isip ko
ah alam ko na
FINANCE..
oo finance lang sagot dyan
sige sige
mag-aaral na ko
sa mga nagbabasa
paxnxa na sa post na ito
baliw lang talaga ako ngayon
hindi kinaya ng utak ko mga pangyayari
sorry..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
HTML Counter
Hit Counters